MAS maraming opportunities ang makakamit ng mga exporter ngayong 2020 dahil sa malakas na suporta mula sa gobyerno at pribadong sektor.
Ito ang napatunayan matapos na tumaas ang Philippine exports of goods and services ng 5.1% year-on-year (YOY) sa US25.0B sa 3rd quarter ng 2019 base sa Balance of Payment Manual 6 (BPM6) data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang ipinakitang paglago ng export sa third quarter ay pinagana ng 8.6% YOY increase sa service exports, na may halagang USD11.1B para sa quarter.
Tumaas din ang pag-export ng mga kalakal at serbisyo ng 3.7% sa USD70.4B mula Enero hanggang Setyembre 2019. Ang services exports ay tumaas ng 7.7% YTD sa USD30.6B na pinagana ng double-digit increase ng mga pag-export ng mga serbisyo sa paglalakbay dahil sa malaking bilang ng pagdating ng mga turista. Bukod sa mga serbisyo sa paglalakbay, ang Information Technology at Business Process Management (IT-BPM) ay nag-ambag din sa magandang pagpapakita ng mga serbisyo.
Ang pagpapadala ng electronics products, mga saging, forestry and mineral products ay nakapag-ambag ng bahagyang pagtaas sa exports ng mga kalakal.
“We follow the targets of the Philippine Export Development Plan (PEDP) with strong support and commitment across major industries. We remain positive on the opportunities for 2020 as we in the Trade Promotions Group of the DTI continue to pursue the strategies for export growth. Currently, we have electronics, food and beverages, IT-BPM and business services, creative industries, lifestyle and wearables, and Halal as among the priority sectors for export promotion driven by global demand,” pahayag ni Undersecretary for TPG Abdulgani M. Macatoman.
Binigyang-diin ni Macatoman na sa ilalim ng PEDP 2018 -2022, ang kabuuang objective ay makamit ang USD122B-USD130.8B sa 2022. Para ito makuha ay itinutulak ng DTI ang pagsasaayos sa lahat ng kinakailangan para sa pag-export at maging ang mabilis na proseso ng pagnenegosyo.
“As part of the comprehensive package of support for Philippine exporters, we have initiatives to elevate the capacity of exporters across priority sectors and in parallel, we have identified priority markets for export promotion both for inbound and outbound opportunities,” dagdag ni Macatoman.
Kabilang sa mga lugar na planong bisitahin ng TPG sa susunod na taon para sa outbound business matching missions (OBMMs), sa pamamagitan ng Export Marketing Bureau, Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM), Foreign Trade Service Corps (FTSC), at iba pang collaborators mula sa ibang DTI units at mga pribadong sektor na kinabibilangan ng traditional and non-traditional markets ay ang Europe, Canada, at East Asia para sa pagsusulong ng Creative Services; Europe at East Asia para sa promosyon ng Green Business; Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Gulf Cooperation Council (GCC), Turkey, Egypt, China, at Iran para sa Halal Products and Services; ASEAN, East Asia, Europe para sa Lifestyle Sector; East Asia, Southeast Asia, Europe, USA, at Middle East para sa Food Sector; at Russia, Mexico at Africa para sa Fast Moving Goods.
Comments are closed.