PH EXPORTS SISIPA SA 2024

POSIBLENG tumaas ng lima hanggang anim na porsiyento ang export ng Pilipinas sa susunod na taon.

Ito’y kasunod ng inaasahang paglago ng ekonomiya ng Estados Unidos, at ng pag-akyat ng market share ng mga electronic product.

Ayon kay Philippine Exporters Confederation Incorporated chairman George Barcelon, 40 porsiyento ng total exports ng bansa ay sa electronics.

Dagdag pa ni Barcelon, ang electronic sector ang magpapataas ng export sa bansa. DWIZ 882