INIHAYAG ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na patuloy na lumalaban ang Philippine merchandise exports sa kabila ng tumataas na US-China trade frictions at global slowdown, bahagi nito ay dala ng patuloy na pagkakaroon ng market access sa Southeast Asia, Japan, European Union (EU), gayundin sa US at China.
Positibo ang paglago ng export nang Hulyo para sa ikaapat na sunod-sunod na buwan sa 3.5% year-on-year (yoy), dahil sa paglawak ng export ng bansa sa US at China ng 8.9% at 8.5% yoy.
Noong Hulyo, ang US ang may pinakamalaking export na may 16.9% share habang ang China ay nasa ika-3 pinakamalaki na may 13.9% share.
“Our market access into the US has been supported by the US Generalized System of Preferences (GSP), which accords duty-free status to more than 3,000 products, as well as EU which gives GSP+ duty-free status to over 6,000 products. Also, market access into China has improved in light of closer trade relations with the Philippines reinforced by DTI’s more intense export promotion efforts,” sabi ni Sec. Lopez.
Dahil sa resultang ito, tumatayo ang Filipinas bilang ika-3 sa pinakamagaling na export performer sa listahan ng 11 Asian trade-oriented economies kasunod ng Vietnam at Thailand. Samantala, ang export growth rate noong Hunyo ay nabago pataas ng 3.3% mula sa 1.5%.
Malaking export ng bansa ang electronics, machinery at transport equipment, prutas at gulay (saging), ginto at iba pang produktong mineral, na may malaking kontribusyon sa galaw noong Hulyo.
Samantala, bumagsak ang merchandise imports ng 4.2% noong Hulyo, ang ika-4 na magkakasunod na buwan ng pagbagsak, dala ng bigat ng double-digit decrease sa importasyon ng raw materials at intermediate goods. Bilang resulta ng positive exports at negative imports, lumiit ang trade-in-goods deficit ng 15.5% yoy para sa nabanggit na buwan.
Mula Enero hanggang Hulyo 2019, ang merchandise exports ng bansa ay tumaas ng 0.1% yoy sa US$40.4 billion suportado ng US (+9.8%) at China (+8.6%). Sa kaibahan, ang cumulative merchandise imports ay mababa ng 1.5% yoy sa US$62.7 billion. Dahil dito, ang cumulative merchandise trade deficit ay nawalan ng 4.1% yoy sa US$22.3 billion.
Comments are closed.