PH FACTORY OUTPUT TULOY SA PAGLAGO

PATULOY na lumago ang manufacturing sector output ng bansa noong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa resulta ng latest Monthly Integrated Survey of Selected Industries ay lumitaw na ang volume of production index (VoPI) ay lumago ng 1.9 percent noong Enero mula 1.6 percent noong Disyembre ng nakaraang taon.

Gayunman, ang VoPI expansion ay mas mabagal kaysa 7.3-percent growth na naitala noong Enero 2023.

“The expansion in the annual growth of the VoPI in January 2024 was mainly brought about by the slower annual drop in the manufacture of computer, electronic and optical products at 7.1 percent in January 2024 compared with its double-digit annual decline of 16.5 percent in the previous month,” paliwanag ng PSA.

Ayon sa PSA, ang manufacture ng computer, electronic, at optical products ay nag-ambag ng 28.9 percent sa pagtaas ng VoPI sa naturang buwan.

Samantala, ang paglago sa Value of Production index (VaPI) ay bumagal sa 0.9 percent mula 2.2 percent noong Disyembre 2023.

Noong Enero ng nakaraang taon, ang VaPI growth ay nasa12.5 percent.

“The slower increment in the annual growth of VaPI during the month was primarily brought about by the annual drop in the manufacture of basic metals industry division at 6.6 percent in January 2024 from a double-digit annual increment of 16.8 percent in the previous month,” ayon sa PSA.

Samantala, iniulat ng PSA na ang average capacity utilization rate para sa manufacturing sector ay bahagyang tumaas sa  74.5 percent mula 74.4 percent noong Disyembre 2023.

Halos lahat ng  industry divisions ay nag-ulat ng capacity utilization rates ng mahigit 60 percent noong Enero, maliban sa manufacture of basic pharmaceutical products at pharmaceutical preparations sa 55 percent.

Ang top three industry divisions pagdating sa  capacity utilization rate ay ang manufacture of furniture (88.7 percent), manufacture of transport equipment (86.0 percent), at  manufacture of rubber and plastic products (82.4 percent).