PH FARM OUTPUT BUMABA SA Q1

PSA-PH FARM OUTPUT

HUMINA ang Philippine agricultural production sa first quarter ng taon sa likod ng pagbaba sa crops at fisheries sa nasabing panahon, ayon Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos na ipinalabas ng PSA, ang agrikultura ay nagtala ng 1.2% decline sa naturang panahon matapos ang dalawang magkasunod na quarters ng paglago.

Ang pinakabagong numero ay mas mataas sa 0.4% growth sa fourth quarter ng 2019, at sa 0.67% growth sa  first quarter noong nakaraang taon.

“This was attributed to the contraction in crops and fisheries production,” ayon sa PSA.

“Crops production fell by 2.1% during the quarter, accounting for 54.9% of the total agricultural output. This comes as production fell for palay (-3.6%), corn (-3.4%), calamansi (-10.9%), eggplant (-6.4%), and abaca (-5.7%).”

Gayundin ay bumaba ang fisheries ng 5.2% sa kaparehong panahon, na bumubuo sa 12.8% ng total agricultural production, kung saan ang pinakamalaking pagbaba ay naitala sa produksiyon ng major species tulad ng tiger prawn (-31.1%), mudcrab (-18.2%), slipmouth (-11.2%), at fimbriated sardines (-10.6%).

Tumaas naman ang livestock output ng 0.5% para mag-ambag ng 17.9% sa total production, habang ang poultry production ay lumago ng 3.9% para magbahagi ng 14.3% sa total production.

Comments are closed.