LABING-ANIM na Filipino jiu-jitsu practitioners ang nagwagi ng gold medals sa katatapos na Sports Jiu-jitsu International Federation World Championship sa Nagoya, Japan.
Nanguna sa mga kampeon si Brielle Bartolome, na nagwagi kapwa sa gi at no gi divisions. Naglaro bilang kindergarten featherweight sa no gi category, pinasuko ni Bartolome si Peng Nian ng China via armbar upang kunin ang gold sa first round.
Pagkatapos ay tinalo ni Bartolome si Nishimoto Wakana ng Japan upang makopo ang kindergarten gi rooster-weight division gold medal.
Kuminang din si youth light featherweight no gi fighter Marcus Dela Cruz, na pinasuko ang lahat ng kanyang katunggali tungo sa gold.
Ginapi niya si China’s Ma Haisen sa final round. Pinasuko rin ni youth gi featherweight champion Cesca Lepiten ang lahat ng kanyang katunggali upang kunin ang gold, nagwagi sa kanyang huling dalawa, kabilang ang final laban kay Kimura Alana Liu via armbar sa second round.
Umabante rin si pre-teen no gi middleweight Thiago Bartolome sa championship makaraang puwesahin si Laptev Maksim na mag-tap out matapos ang Americana hold.
“I am very happy that our Philippine Junior Grappling Team comprised of different DEFTAC chapters are showing everyone how hard they work and how good they really are,” pahayag ni DEFTAC at Universal Reality Combat Championship founder and President Alvin Aguilar said.
Ang Pilipinas na kinatawan ng DEFTAC ay sumabak laban sa Jiu-jitsu athletes mula sa US, Japan, China, South Korea, Brazil, at Hong Kong.
Ayon kay Aguilar, ang lahat ng medalists ay miyembro ng Wrestling Association of the Philippines-RP Junior Grappling Team.
Umuwi rin bilang champions sina Claudia Lepiten sa toddler gi light featherweights, Tessa Joson sa junior teen featherweights, Ali Joson sa kindergarten no gi rooster-weights, Tomas Joson sa youth rooster-weights, Ethan Ramos sa pre-teen lightweights, at Uno Ordona sa pre-teen medium heavyweights.