PH FLAG IBABAON  SA PH RISE

duterte

ILALAGAK ang Philippine flag ng ilang divers sa ilalim ng Philippine Rise ngayong araw.

Sinabi ni Lt. General Emmanuel Salamat, chief ng AFP Northern Luzon Command, na tinatayang aabot sa 140 na divers/scientists mula sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan ang magda-dive ngayon bilang  bahagi ng commemoration ng  unang taon ng pagdedeklara rito bilang Philippine Rise.

Sinabi ni Salamat na ang Philippine flag ay nakapatong sa fiber glass at nakasemento na- man ang base nito.

Aabot sa limang tonelada ang bigat ng Philippine flag na ibabaon sa ilalim ng Philippine Rise.

Nagsagawa ng exhibition ang mga diver para mabuo ang larawan ng watawat ng Pilipinas. Hindi natuloy ang sinasabing paglalayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Rise sa  paggunita ng unang anibersaryo ng pagpapalit ng pangalan nito mula sa Benham Rise.

Kasama ang mga matataas na opisyal ng Department of National Defense sa pamumuno ni Defense Secretary Delfin Lo­renzana at iba pang opisyal ng gobyerno ay ipinagdiwang ang simpleng seremonya sa LD602 BRP Davao del Sur.

Mayo 16 noong nakaraang taon nang lagdaan ni Pangulong Duterte ang Executive Order No. 25 na opisyal na pagpapalit ng Benham Rise bilang Philippine Rise.

Lulan ng presidential chopper si Pangulong Duterte ay lumapag sa helipad ng BRP Davao del Sur.

Sinalubong siya ng defense officials at ipinasyal sa loob ng barko.

Habang ginaganap ang simpleng seremonya ay naglayag ang barko patungo sa karagatan kung saan naroon ang 13-mil­yong ektarya na undersea plateau na nasa East Pacific Ocean na extended continental shelf  na sakop ng lalawigan ng Isabela.

Noong 2012 ay idineklara ng United Nations ang Benham Rise na ngayo’y Philippine Rise bilang bahagi ng extended continental shelf  ng Pilipinas.

Ang deklarasyong ito ang nagbigay daan upang ang Pilipinas ang may eklusibong karapatan na mag-explore ng resources sa nabanggit na lugar.  EVELYN QUIROZ

ATIN ANG PH RISE — DUTERTE

SA kanyang mensahe ay sinabi ng Pangulong Duterte na atin ang Philippine Rise na idineklara ring isang ganap na protected marine sanctuary.

Ang deklarasyon ay ginawa sa send off ceremony  ng  Filipino scientist/researchers na magsasagawa ng pag aaral at biological investigation at ma-rine resources analysis  sa Philippine rise.

Nilagdaan na rin ng Pangulo ang isang proclamation na nag­dedeklara sa Philippine Rise bilang pag-aari ng bansa na isang protected marine sanctu-ary.

Hindi natuloy ang sinasabing pagsakay ng Pangulo sa jetski patungo sa Philipine Rise dahil na-delay ang dating nito.

Ayon sa Pangulo, ayaw niyang ma-offend ang China  kaya hindi na itinuloy ang balak nitong pagsakay sa jetski patungo sa Philippine Rise. VERLIN RUIZ

Comments are closed.