PATULOY sa paghahanap ng oportunidad ang Filipino food manufacturers sa pagsali sa pinakamalaking buying market expo sa China.
Higit sa 30 kompanyang Pinoy ang nagpapakita ng kanilang produkto sa ika-2 China International Import Expo (CIIE) sa National Exhibition and Convention Center mula pa noong Nobyembre 5.
Ang mga kompanyang Pinoy at organisasyon sa kasali sa CIIE ngayong taon ay 22 Propack Asia Corp.; Agrinurture, Inc.; Benvelle Corp.; B-G Fruits & Nuts Mfg. Corp.; Century Pacific Food, Inc.; Eng Seng Food Products; Excellent Quality Goods Supply Co.; Filifresh International Trading; Fisher Farms, Inc.; Fruits of Life, Inc.; GSL Premium Food Export Corp.; Magicmelt Foods, Inc.; Magsasakang Progresibo Marketing Cooperative; Mancoco Food Processing, Inc.; Monde M.Y. San Corp.; and Monde Nissin Corp.
Pasciolco Agriventures; Pearl Foods International, Inc.; Phil. Morinda Citrifolia, Inc.; Philippine Franchise Association; Pixcel Transglobal Foods, Inc.; Primex Coco Products, Inc.; Roxas Sigma Agriventures, Inc.; Saw Fine Foods International Ltd.; San Miguel Foods; SEE’S International Food Mfg. Corp.; SL Agrifood/Agritech Corp.; Team Asia Corp.; Trans Ocean Food Products, Inc.; Tropicana Food Products, Inc.; at W.L. Food Products na sumali rin sa buying expo.
Nakapokus ang food pavilion ng bansa sa CIIE pagtataguyod ng mas malusog at mas produktong organiko sa gitna ng lumalagong demand para sa malulusog at produktong pang-wellness sa China.
Sa kanyang pagbisita sa Shanghai kamakailan, sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na kailangang ng Pilipinas na itaas ang kanyang manufacturing capacity kung gusto nito na makakuha ng parte sa malaking merkado ng China.
“Now it’s up to us to have the domestic production capacity to be able to supply the requirements because we all know China is a big population — 1.4 billion — so when they order, the demand is always in big quantity,” sabi ni Lopez.
Habang pinagbubuti ang export sa China, sinabi ng trade chief na target ng Philippine government na maka-engganyo pa ng mas maraming mamumuhunan mula sa China para makapagtayo ng kanilang production facilities dito sa bansa.
“Since we lack the capacity, why not invest in the Philippines and produce that capacity,” sabi ni Lopez.
“That’s why we encourage companies to establish operations in the Philippines – iron and steel, metals, chemicals, auto parts, energy, infrastructure. It has an import substitution effect also. It will reduce our importation, at the same time there are other products that we can export to anywhere,” sabi niya. PNA
Comments are closed.