PATULOY sa paglaki ang foreign reserves ng bansa para magtala ng isa pang record-high noong Oktubre, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng central bank, ang gross international reserves (GIR) ay pumalo sa $103.814 billion noong Oktubre mula sa $100.443 billion na naitala sa naunang buwan, at sa $85.834 billion noong Oktubre 2019.
Ang pagtaas sa reserves ay mula sa inflows ng BSP foreign exchange operations na nagkakahalaga ng $3.46 billion; net foreign currency deposits ng national government sa central bank na nagkakahalaga ng $77 million; at revaluation gains sa gold holdings na nagkakahalaga ng $49 million.
“The latest GIR represents an external liquidity buffer equivalent to 10.3 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income, and 9.3 times the country’s short-term external debt based on original maturity, and 5.4 times based on residual maturity,” ayon sa BSP.
Ang net international reserves (NIR), na patungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng GIR ng BSP
at ng total short-term liabilities, ay tumaas ng $3.37 billion sa $103.8 billion.
Comments are closed.