PH FOREIGN RESERVES LUMOBO, $77.83-B NOONG AGOSTO

BSP-Governor-Nestor-Espenilla-Jr

TUMAAS ang gross international reserves (GIR) ng bansa sa $77.83 billion noong Agosto mula sa $76.72 billion na naitala noong Hulyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Gayunman, ang numero ay mas mababa sa P81.51 billion na naiposte year-on-year (Y-o-Y).

Ayon kay BSP Governor Nestor A. Espenilla, Jr., base sa preliminary data mula sa central bank,  ang pagtaas ay bunga ng inflows mula sa net foreign currency deposits ng national government (NG), gayundin sa income ng BSP mula sa investments nito sa ibang bansa, na bahagyang pinahinahon ng pagbabayad na isinagawa ng NG para sa foreign exchange obligations nito, foreign exchange operations ng BSP, at revaluation adjustments sa gold holdings ng BSP na nag-ugat sa pagbaba ng presyo ng ginto sa pandaigdigang merkado.

“The end-August 2018 level of GIR remains as an adequate external liquidity buffer and is equivalent to 7.5 months’ worth of imports of goods, and payments of services and primary income. It is also equivalent to 6.2 times the country’s short-term external debt based on original maturity and 4.2 times based on residual maturity,” pahayag ng BSP.

Samantala, tumaas din ang net international reserves (NIR), ang diperensiya sa pagitan ng GIR at ng kabuuang short-term liabilities ng BSP,  sa $77.82 billion nitong Agosto mula sa  $76.71 billion noong Hulyo.

“The GIR is the economy’s dollar cushion against potential rapid foreign exchange volatilities in the global scene,” sabi pa ng BSP.  REA CU

Comments are closed.