LUMIIT ang foreign reserves ng bansa sa $101.3 billion noong katapusan ng Mayo dahil sa pagbabayad ng pamahalaan ng foreign currency-denominated liabilities nito at sa downward adjustments sa halaga ng gold holdings ng Bangko Sentral ng Pilipinas’ (BSP).
Sa datos ng BSP, ang latest gross international reserves (GIR) ay mas mababa kumpara sa $101.8 billion noong Abril.
Gayunman, sinabi ng central bank na ang foreign reserves ng bansa “represent a more than adequate external liquidity buffer equivalent to 7.6 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income.”
Ang international standard para sa adequate GIR level ay nasa tatlo hanggang apat na buwang import cover ng isang bansa.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) chief economist Michael Ricafort, ang latest GIR level ay kabilang sa pinakamataas sa isang taon,,pinalakas ng matagal na pagtaas sa structural US dollar inflows tulad ng remittances mula sa overseas Filipino workers, revenues ng business process outsourcing (BPO) sector, at ng mas mababang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado, na nagpababa sa trade deficit ng bansa.
Sinabi ni Ricafort na ang structural dollar inflows ay inaasahang magpapatuloy para suportahan ang foreign reserves ng bansa. Makatutulong din ang foreign direct investments, pagtaas sa foreign tourist arrivals, at portfolio investments o yaong mga inilagay sa local equity market.
“Thus, still relatively high GIR at USD101.3 billion could still strengthen the country’s external position, which is a key pillar for the country’s continued favorable credit ratings for the country straight year,” dagdag pa niya.
-PNA