PH FOREIGN RESERVES NUMIPIS($98.2-B noong Pebrero)

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS

BUMABA ang gross international reserves level ng bansa noong nakaraang buwan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa datos ng BSP, ang GIR level noong Pebrero ay sumadsad sa $98.2 billion mula $100.7 billion noong Enero.

Sa kabila nito, sinabi ng central bank na ang latest GIR level ay higit pa sa sapat na external liquidity buffer na katumbas ng 7.4 buwang halaga ng imports of goods at pagbabayad ng serbisyo at primary income.

“The level is also about 5.9 times the country’s short-term external debt based on original maturity and 3.9 times based on residual maturity,” sabi pa ng BSP.

Sinabi ng mga economic manager na ang pagkakaroon ng “hefty” reserves ay magbibigay-daan para makatugon ang bansa ng tamang-tama sa oras sa external shocks tulad ng COVID-19 pandemic.