TUMAAS ang gross international reserves (GIR) ng Filipinas sa ika-6 na sunod na buwan noong Abril, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa datos ng central bank, ito ang pinakamataas na antas sa nakalipas na dalawang taon.
Ang foreign reserves ay lumaki sa $83.955 billion noong nakaraang buwan, mas mataas sa $83.613 billion na naitala noong Marso at sa $79.608 billion sa kahalintulad na panahon noong 2018.
Ito rin ang pinakamataas magmula nang maitala ang reserves sa $85.106 billion noong Oktubre 2016.
“The month-on-month increase in the GIR level was due mainly to inflows arising from the BSP’s foreign exchange operations, National Govern-ment’s (NG) net foreign currency deposits and BSP’s income from its investments abroad,” pahayag ng central bank.
“However, the increase in reserves was tempered partially by payments made by the NG for servicing its foreign exchange obligations as well as re-valuation losses from the BSP’s gold holdings, resulting from the decrease in the price of gold in the international market,” dagdag pa ng BSP.
Ayon sa BSP, ang pinakabagong numero ay nagsisilbing sapat na external liquidity buffer, at katumbas ng 7.4 buwang halaga ng imports ng mga produkto at pagbabayad ng services at primary income.
Katumbas din ito ng limang ulit na short-term external debt ng bansa base sa original maturity at 3.5 beses base sa residual maturity.
“The net international reserves (NIR)—the difference between the BSP’s GIR and total short-term liabilities—increased to $83.94 billion in April from the $83.6 billion in March.”
Comments are closed.