PH FOREIGN RESERVES TUMAAS, RECORD-HIGH $93.32-B SA HUNYO

FOREIGN RESERVES

TUMAAS ang foreign exchange reserves ng Filipinas ng $30.5 million noong Hunyo sa likod ng paglobo ng deposits ng national government sa central bank.

Sa datos na ipinalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang gross international reserves (GIR) ay nasa record $93.32 billion hanggang noong katapusan ng Hunyo.

Mas mataas ito kumpara sa $93.29-billion GIR level na naitala noong Mayo at sa $84.93 billion noong Hunyo 2019.

“The month-on-month increase in the GIR level reflected inflows mainly from the Na-tional Government’s foreign currency deposits with the BSP,” ayon sa central bank.

“These inflows were offset, however, by the foreign currency withdrawals made by the national government to pay its foreign currency debt obligations,” sabi pa ng BSP.

“The end-June GIR level represents an ample external liquidity buffer, equivalent to 8.4 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income,” dagdag pa nito.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang GIR ay inaasahang aabot sa  record-high na $94 billion sa katapusan ng 2020.

Samantala, ang net international reserves (NIR) o ang pagkakaiba sa pagitan ng GIR at ng total short-term liabilities ay tumaas ng $50.2 million sa $93.32 billion hanggang noong Hunyo mula sa end-May level na $93.27 billion.

Comments are closed.