PH FOREST PRODUCT EXPORTS TUMAAS SA Q1

lumber exports

LALO pang tumaas ang forest product exports ng bansa mula ­Enero hanggang Marso nga­yon taon, ayon sa ­Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA, ang 2019 first quarter export receipts ay pumalo sa USD84.17 million, mas mataas sa USD55.19 million na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ang bilang ay higit pa sa doble ng naiposte noong 2017.

Sa kabila ng pagbaba ng plywood export receipts mula USD26.34 million noong 2018 sa USD23.93 million ngayong taon, ang receipts para sa lumber exports ay umangat ng  107.5 percent mula sa USD21.65 sa USD44.93 million.

Ang iba pang forest product export receipts ay tumaas ng 112.3 percent sa USD15.29 million mula sa USD7.21 million.

Noong 2017, ang receipts para sa plywood, lumber at iba pang forest products ay pumalo sa  USD5.42 million, USD14.92 million at USD2.11 million, ayon sa pagkakasunod-sunod.     PNA

Comments are closed.