PH FRANCHISES HINIMOK NA PALAWAKIN ANG PRESENSIYA SA ASEAN REGION

Eric Elnar

HINIMOK ang Filipino franchises na magpalawak ng kanilang presensiya sa member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na nag-aalok ng malaking merkado na mahigit sa 600 milyong konsyumer.

Sinabi ni Eric Elnar, Trade Service Officer of the Foreign Trade Service Corps at the Department of Trade and Industry (DTI), na ang Filipinas at ang ibang ASEAN member states ay mayroong halos magkakaparehong kultura at market profiles.

“And then we have the ASEAN Economic Community, which is being part of the ASEAN, it makes business easier. It means when we want to expand outside of the Philippines into ASEAN, you can do it simultaneously. You can do it simultaneously in Thailand, in Indonesia, in Malaysia,” lahad niya sa isang panayam.

Sinabi ni Elnar na ang Filipino brands ay nakakukuha ng higit na daan sa mas malaking bahagi ng populasyon ng ASEAN.

Ang ASEAN 10-member countries—Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, the Philippines, Singapore, Thailand, at Vietnam.

Sa kanyang presentasyon sa nakaraang franchise conference, sinabi ni Elnar na ang pagpaprangkisa ay kinokonsidera na nasa ilalim ng distribution services, tulad ng retail at wholesale services na may kondisyon sa pagpapakete ng services commitments sa ASEAN Framework Agreement on Services (AFAS).

“Under the ASEAN, we have ASEAN FTAs (free trade agreements). So basically, it just says that franchising is one of the sec-tors that is being promoted under the ASEAN agreement. So it’s a good idea for franchise owners in the Philippines to look at ex-panding first in other ASEAN countries before you expand elsewhere,” dagdag pa niya.

Para makapasok ng maayos sa ASEAN region, pinayuhan ni Elnar ang Filipino franchises na pag-ibayuhin ang kanilang marketing strategies, pag-aralan ang industriya, magkaroon ng market readiness, at market size.     PNA

Comments are closed.