PH GROWTH 2ND FASTEST SA SOUTHEAST ASIA – ADB

ADB

UMAASA ang Asian Development Bank (ADB)  na magiging second fastest growing economy ang Filipinas sa Southeast Asia kasunod ng Vietnam sa mga susunod na taon dahil sa masiglang public at private investment nito.

Sa isang supplement sa Asian Development Outlook 2018 Update report nito na ipinalabas kahapon, nanindigan ang ADB sa economic growth outlook nito para sa Filipinas sa 6.4 percent ngayong taon at 6.7 percent sa 2019.

Ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay nanatiling malakas sa 6.3 percent sa unang tatlong quarters ng 2018,  bagama’t bumagal mula sa 6.8 percent noong nakaraang taon.

Ang investment ang pinakamalaking contributor sa paglago, sumusunod ang household consumption.

Pinanatili rin ng ADB ang growth forecast nito para sa Southeast Asia sa 5.1 percent para sa 2018, sa inaasahang malakas na pagkonsumo at infrastructure investment.

“Robust domestic demand continued to drive growth in the sub-region. Infrastructure spending remained strong in Brunei Darussalam, Indonesia, the Philippines, and Thailand but declined in Malaysia,” nakasaad sa report.

Comments are closed.