PH GROWTH FORECAST ITINAAS NG IMF SA 6.2%

ITINAAS ng International Monetary Fund (IMF) ang 2023 economic growth forecast nito para sa Pilipinas sa likod ng “stronger-than-expected first quarter expansion”. 

Sa pagtaya ng IMF, ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay lalago ng 6.2 percent ngayong taon mula sa naunang projection na 6 percent.

Ang Pilipinas ay nagtala ng 6.4 percent na paglago sa Q1.

“The IMF has adjusted up its growth projection for the Philippines from 6.0 percent to 6.2 percent for 2023.

Stronger-than-expected first quarter data and leading indicators for Q2 has shown demand and growth dynamics remaining strong in 2023,” pahayag ni IMF Mission Chief for Philippines Jay Peiris sa ABS-CBN News.

Binanggit din ng MIF ang “decisive” action ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para higpitan ang rates upang mapababa ang inflation.

Ang inflation ay umabot sa 14-year high na 8.7 percent noong January. Bumagal ito sa 5.4 percent noong June ngunit nanatili sa ibabaw ng government target na 2 hanggang 4 percent.

Samantala, pinanatili ng BSP noong June ang interest rate sa 6.25 percent sa gitna ng pagbagal ng inflation.

Ayon sa IMF, ang inflation ay inaasahang huhupa sa average na 5.6 percent ngayong taon.

“The BSP has acted decisively to tighten rates and reduce inflation, and we see the impact of tightening bringing inflation back to within target around 3 percent by early next year,” ani Peiries.

Ang pamahalaan ay umaasa na lalago ang ekonomiya ng bansa ng 6 hanggang 7 percent ngayong taon.