MULING ibinaba ng World Bank ang economic growth forecast nito para sa Filipinas para ngayong taon at sa 2019.
Ayon sa multilateral lender, ang growth projections nito para sa bansa ay 6.4 percent ngayong 2018 at 6.5 percent sa 2019 bilang bahagi ng forecasting exercise nito.
Ibinaba ng World Bank ang pagtaya nito makaraang bumagal ang paglago sa 6.1 percent sa third quarter ng taon mula sa 7 percent sa kahalintulad na panahon noong 2017 at sa revised 6.2 percent gross domestic product (GDP) print sa second quarter ng taon.
Dahil dito ay naitala ang year-to-date growth sa 6.3 percent.
Ang bagong forecast figures ay mas mababa sa growth projections na naunang inilabas ng World Bank sa pamamagitan ng Economic Update noong Oktubre.
Naunang sinabi ng lender na ang ekonomiya ng Filipinas ay posibleng lumago ng 6.5 percent ngayong 2018 at 6.7 percent sa 2019.
Ito ang ikalawang growth forecast revision mula sa World Bank kung saan una itong nagbigay ng pagtaya na lalago ang GDP ng Filipinas ng 6.7 percent ngayong 2018 sa Global Economic Prospects report nito noong Hunyo.
Sa kabila nito, sinabi ng World Bank na mananatili ang Filipinas bilang isa sa fast-growing economies sa East Asia and the Pacific Region.
“A strong, consistent delivery of the infrastructure investment agenda while sustaining improvements in health, education and social protection will be key to maintaining the robust and inclusive growth outlook of the Philippines,” wika ni Rong Qian, World Bank senior economist.
Ayon pa sa lender, bagama’t maaaring mapabagal ng mataas na inflation ang private consumption growth sa fourth quarter ng 2018, ang paghupa ng inflation sa mga susunod na quarters ay inaasahang magpapalakas sa consumer confidence at magpapataas sa private consumption sa 2019.
“Also, the mid-term election in May is also expected to strengthen consumption by temporarily raising employment and disposable incomes in early 2019,” dagdag pa ng World Bank.
Comments are closed.