PH-ICELAND ECONOMIC TIES TULOY

ICELAND

TULOY pa rin ang economic cooperation sa pagitan ng Filipinas at Iceland, ayon sa Malakanyang.

Ito ay kahit na magpasiya ang bansa na putulin na ang ugnayan sa Iceland dahil sa resolusyon ng huli na paimbestigahan sa United Nations Human Rights Council ang anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinangangambahang nauwi na sa extra judicial killings.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang dahilan para putulin ang investment at economic ties ng dalawang  bansa dahil diplomatic ties lamang ang nakataya.

Kabilang sa investments ng Iceland sa Filipinas ang Bi­liran Geothermal Incorporated na isang joint venture ng Filtech ­Energy Drilling Corporation at Orka Energy Philippines.

Ayon kay Panelo, tinatayang nasa 2,000 Pinoy na kinabibila­ngan ng nurses, office at factory workers ang nagtatrabaho naman sa Iceland

Nauna nang inihayag ng opisyal na seryosong kinokonsidera ni Pangulong Duterte ang pagputol sa diplomatic relations sa Iceland dahil sa pagpapaimbestiga sa UNHRC sa human rights situation sa bansa.

Subalit sinabi ni top diplomat Teodoro Locsin, Jr. na hindi puputulin ng Filipinas ang ugnayan sa Iceland matapos ang naturang resolution ng huli.

“We’re not severing diplomatic relations with any country. If we did, where’s the conversation? How do you insult those who insulted us if you cut them off?” ani Locsin sa isang tweet.

Nagpatuloy pa ang Foreign Affairs chief at ininsulto ang Iceland.

“How are we to continue to upbraid a nation of women beaters & eugenicists if we cut off the conver-sation. No, we must continue it. Many infant lives at stake here; not to mention women beaten up in the long nights of Iceland. It is a moral duty to continue the conversation.”

Comments are closed.