PH IKA-79 SA 98 BANSA SA PAGTUGON SA COVID-19 PANDEMIC

covid

LUMAPAG sa ika-79 na puwesto ang Filipinas sa 98 na mga bansa pagdating sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, base sa pag-aaral ng Australian think-tank.

Sa inilabas na COVID-19 performance index ng Lowy Institute, nakakuha ang Filipinas ng average score na 30.6 na mas mababa sa Spain na nakakuha ng 31.2, habang ang Italy naman ay nakakuha ng score na 40.4 na pawang dalawang pinakamatinding naapektuhan na bansa sa Europe.

Samantala, ang 10 namang mga bansa na nangunguna sa pagtugon sa COVID-19 pandemic ay ang mga sumusunod:

New Zealand

Vietnam

Taiwan

Thailand

Cyprus

Rwanda

Iceland

Austalia

Latvia; at

Sri Lanka.

Ayon sa Lowy Institute, kanilang binase ang mga nakuhang average score batay kung ilan ang populasyon sa isang bansa at kung paano nito tinutugunan ang mga daan-daang kasong naitatala sa loob ng 36 na linggo. DWIZ882

Comments are closed.