PH ilulunsad ang National Halal Strategy, target ang PHP12-B investments at 20,000 trabaho sa loob ng 5 taon —DTI

DTI-HALAL

NAKATAKDANG ilunsad ng Pilipinas ang National Halal Strategy, na naglalayong ­makalikom ng P230 billion na investments, lumikha ng 120,000 trabaho sa loob ng ­limang taon, at­ ­suportahan ang micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pagiging ­bahagi ng isang global halal ecosystem, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Ang Halal strategic planning ay kasunod ng mensahe ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa international investors sa World Economic Forum sa Davos na nagpoposisyon sa Pilipinas bilang isang gateway sa Asia-Pacific region.

Tutugunan din ng plano ang tumataas na demand para sa Halal products at services mula sa domestic market ng Pilipinas at sa 57 bansa na kasapi ng Organization of Islamic Cooperation (OIC) – mula sa Asia, Middle East, Africa, Europe, at Americas.

Sinabi ni DTI Secretary Fred Pascual na: “The Philippines plans to expand its participation in the Halal economy by being more active in this multi-trillion US-dollar industry, that is growing at a rapid pace. Considering the growing Muslim population of 1.9 billion people, the global halal market is estimated to reach USD 7.7 trillion in market value by 2025, up from USD 3.2 trillion in 2015.”

“Over the next five years, we plan to grow halal-related trade and investments in double digits from PHP 3 billion in 2022 to PHP 12 billion and generate 20,000 jobs,” dagdag pa niya.

Pangungunahan ng ahensiya ang nine-government inter-agency task force na bubuo ng isang roadmap, na magpoposisyon sa bansa bilang “most Halal-friendly trade and investment hub” sa Asia Pacific.

Binigyang-diin ni Secretary Pascual na bahagi ang Halal industry ng apat na prayoridad ng DTI — (1) pagsusulong sa regional development; (2) pagkamit ng food security; (3) pag-upgrade, pag-upskill, at pag-upsize sa micro, small and medium enterprises; at (4) pagbibigay-daan sa job skills matching at skills upgrading.

Ang Halal plan ay hindi lamang nakatuon sa food at food-related products kundi pati sa Islamic finance, Halal-friendly travel and tourism, modest fashion, Halal pharmaceuticals at Halal cosmetics sectors.

Ang Halal task force ay kina­bibilangan ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), Department of Agriculture (DA), Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Department of Tourism (DOT), Department of Health (DOH), Department of Science and Technology (DOST), Department of Foreign Affairs (DFA), at Mindanao Deve­lopment Authority (MinDA).

Nakatakdang makinabang ang MSMEs sa halal initiatives ng DTI. Ilan sa mga inisyatibo na nilagdaan at nakatakda ay kinabibilangan ng:

PHP 66-M partnership sa BARMM para isulong ang Halal
Lumagda kamakailan ang DTI sa isang partnership deal sa Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao-
Ministry of Trade, Investment, and Tourism (BARMM-MTIT), na may budget na PHP 66 million, ­upang isulong ang Halal local goods at services na ipinagkaloob ng MSMEs. Ang pagtutulungan na ito ay lilikha ng mga trabaho sa pamamagitan ng social entrepreneurship at local tourism, train entrepreneurs, at bubuhayin ang creative sector ng bansa.

Trade Conventions and Certifications
Ang Halal Convention Expo ay gaganapin sa November 21 sa SMX Convention Center at tatampukan ng MSMEs. Nakatakda rin ang isang Halal preparedness and certification training program sa ikalawang linggo ng November.

Marami pang slaughterhouses sa Pilipinas ang magiging Halal-certified. Lumagda ang Philippine Trade Training Center (PTTC), isang attached agency sa ilalim ng DTI, ng kasunduan sa mga entidad sa CALABARZON para sa Halal training. Mahigit 100 MSMEs sa Marawi ang inihahanda rin upang maging Halal-certified bilang bahagi ng economic rebuilding ng Maranao people.

Ang strategic halal plan ng DTI ay kasunod ng bilateral talks ng Pilipinas at Malaysia sa 3-day state visit ni Presidente Marcos noong July kung saan inihayag ng Pilipinas ang commitment nito na makipagtulungan para sa ikauunlad ng BARMM, lalo na sa mga sektor ng halal industry, Islamic banking, at food security.

Bukod dito, nakatakda ring pumirma ang Pilipinas sa isa pang landmark agreement sa UAE.

Noong nakaraang buwan, pinagtibay rin nina Secretary Pascual at UAE Minister of State for Foreign Trade Dr. Thani bin Ahmed Al Zeyoudi ang kanilang commitment para palakasin ang kanilang economic ties.

Nilagdaan ng magkabilang pa­nig ang Investment Promotion and Protection Agreement (IPPA) sa Philippine National Expo Day sa Expo 2020 Dubai noong February 2022, at kasalukuyang nag-uusap hinggil sa Comprehensive Econo­mic Partnership Agreement (CEPA).