MALAKI ang iniangat ng global ranking ng Filipinas sa internet speed, base sa May 2021 Ookla Speedtest Global Index report.
Umangat ng 15 notch ang Filipinas para sa fixed broadband o katumbas ng 58.72 megabytes per second, habang ang mobile speed naman ng bansa ay umangat ng 7 notch ngayong buwan kaya pumalo ito sa 31.97 megabytes per second.
Ang monthly improvement ng bansa sa speeds ay third best sa buong mundo sa parehong kategorya.
Sa 180 bansa, ang fixed broadband speed ng Filipinas ay nasa ika-65 puwesto na ngayon, habang nasa ika-77 puwesto naman mula sa 137 bansa sa mobile. Noon lamang November 2020, ang average download speeds ng bansa para sa fixed broadband ay nasa ika- 103 puwesto at ika-110 puwesto naman para sa mobile sa buong mundo.
Pangunahing dahilan ng malaking pag-angat sa ranking sa mga nakalipas na buwan ay ang all-out support ng administrasyong Duterte sa pagpapabilis ng pag-iisyu ng LGU permits na kinakailangan para mapabilis ang pagbuti ng telco infrastructure.
Sa 50 bansa sa Asia, ang internet speed ng Filipinas ay nasa ika-17 puwesto na ngayon para sa fixed broadband at ika-23 puwesto para sa mobile. Sa Asia-Pacific, mula sa 46 bansa, ang Filipinas ay nasa ika-14 na puwesto para sa fixed broadband at ika-12 para sa mobile.
Sa ASEAN, ang Filipinas ay ranked 5th kapwa sa fixed broadband at mobile mula sa 10 bansa.
Ang pinakabagong fixed broadband download speed ay nakapagtala ng pagtaas na 642.50% buhat nang magsimula ang administrasyong Duterte noong July 2016. Samantala, sa pinakabagong mobile speed ay nagkaroon ng 329.70% pagtaas sa kaparehong panahon.
Ang pagpapabilis sa telco infrastructure rollout ay inaasahang magpapatuloy dahil marami pang LGUs ang tumalima sa Joint Memorandum Circular (JMC) No. 01 s. 2020 na nilagdaan ng Department of Information and Communications Technology, Department of the Interior and Local Government, Anti-Red Tape Authority, at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan.
Ikinatuwa rin ng National Telecommunications Commission, PLDT, Globe, Converge at DITO ang inisyatiba ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na payagan ang telecommunication companies na okupahan ang bahagi ng Right of Way (ROW) ng gobyerno bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na masiguro ang internet connectivity sa buong bansa.
Ang bagong direktiba ng DPWH ay makatutulong para mapabilis ang implementasyon ng telco infrastructure projects, partikular sa national roads.
Ngayong nagseserbisyo na ang third major telco ng bansa, ang DITO Telecommunity, sa 100 lungsod sa buong bansa ay tinaasan ng incumbents Globe at Smart ang kanilang capital expenditures ngayong taon.
Ang Globe ay nakatakdang gumugol ng record P70 billion, habang ang Smart ay may P92 billion ngayong taon. Ang parehong investments ang pinakamataas taon-taon para sa bawat telco sa nakalipas na anim na taon.
Inaasahang tataasan din ng fiber internet company na Converge ang capital expenditure nito mula P19 billion noong 2020 sa P20 billion ngayong taon kung saan agresibo itong nagkakaloob ng pure end-to-end fiber internet connection sa merkado nito.
685799 594642You ought to join in a contest for starters of the highest quality blogs online. I will recommend this page! 128627