PH INVESTMENT MISSION SA SAUDI TAGUMPAY

PH INVESTMENT MISSION

NAGING bahagi si Cotabato City at First District of Maguindanao Representative Bai Sandra Sema, isa sa main propo-nents ng kaaapruba lamang na Bangsamoro Organic Law (BOL), ng Philippine delegation na nagtungo sa Saudi Arabia kung saan nakakuha sila ng investment pledges para sa Cotabato City at sa iba pang Bangsamoro provinces mula sa Arabia businessmen.

Ang delegasyon, binubuo ng Filipino government officials at businessmen, sa pangunguna ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, ay nagpunta sa Saudi Arabia upang magprisinta ng investment possibilities para sa Middle Eastern businessmen sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“Now that the Bangsamoro Organic Law has been passed it is time to work for the economic prosperity of the newly created BARMM,” pagbibigay-diin ni  Rep. Sema.  “This investment mission was done as the next important step to ensure that new investments will come in for Cotabato City and the rest of the unified BARMM and realize the promise of the BOL,” dagdag pa niya.

Ang delegasyon ay tinanggap ng Majlis Ash Shura, ang Consultative Assembly at advisory council ng Kingdom of Saudi Arabia (KSA), sa pangunguna ng presidente nito na si Dr. Abdullah Bin Mohammed Bin Ibrahim Al Sheik.

Sa unang araw ng mission ay pinangunahan ni Speaker Arroyo ang Philippine delegation sa pagbisita sa Riyadh upang makaharap ang mga miyembro ng Majlis Ash Shura at ng Saudi Arabian General Investment Authority (SAGIA), ang foreign investment license provider para sa KSA.

Sa ikalawang araw ng mission ay pinamunuan na ni Rep. Sema ang delegasyon. Nagtungo ang grupo sa  Jeddah upang makipagpulong sa Jeddah Chamber of Commerce and Industry (JCCI), ang pinakamatanadang business at  services organization sa KSA na may miyembrong 120,000 businessmen.

Nagpahayag ng interes ang JCCI sa pag-iinvest sa agrikultura at iba pang Halal-related businesses sa Filipinas – partikular sa kape, isda at carrageenan seaweed — lalo na kapag naisakatuparan ang panukalang Halal Economic Zone Authority (HEZA).

Naghain si Rep. Sema ng isang bill noong nakaraang taon para sa paglikha  ng HEZA sa Cotabato City, na planong gawing sentro ng Halal-related businesses sa BARMM.

“With the HEZA, Cotabato City becomes an important economic center in the Philippines and a gateway to the ASEAN for Halal-oriented businesses,” pahayag ni Rep. Sema. “All these initiatives we have been doing are meant to set the stage for Cotabato City’s transformation into a BARMM city,” dagdag pa niya.

Matapos ang two-day investment mission, ang delegasyon ay babalik para sa isa pang miting sa Saudi Arabia upang magsagawa ng business-matching sa pagitan ng Filipino businessmen at ng Arabian investors.

“It is high time that economic prosperity becomes the overarching concept that defines the Bangsamoro region where peace and unity reign instead of war and discord,” giit ni Rep. Sema.

Comments are closed.