PH, ISRAEL SANIB PUWERSA SA MODERNISASYON NG AGRI SECTOR

ISINUSULONG ng Department of Agriculture (DA) ang pakikipag-partner sa Israeli government upang imodernisa ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pag-tatayo ng isang pilot farm na may solar technology at greenhouse.

“We are pursuing the collaboration between the Israeli and Philippine­government on modern agriculture specifically,” pahayag ni  Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol.

“We have agreed to establish a pilot farm where we will showcase solar technology with greenhouse,” ani Piñol.

Aniya, itatayo nila ang pilot farm sa isang 50-hectare area sa Clark.

“This is a new concept in solar energy production underneath the solar panels would be green houses with controlled temperature to produce high value crops and vegetables,” anang kalihim.

Ayon sa agriculture chief, target nilang itayo ang pilot farm bago matapos ang taon kung saan ang pondo ay manggagaling sa DA, habang ang Israel government ang magkakaloob ng solar technology at greenhouses.

“Clark is a very strategic [area] because of its airport facility. The 50-hectare solar farm cum greenhouse that we intend to establish will be done with the PNOC (Philip-pine National Oil Company),” dagdag pa ni Piñol.

Ang pilot farm, batay sa pahayag ng PNOC, ay makapagpoprodyus, aniya, ng 25 megawatts ng kur­yente sa 50 ektaryang greenhouse.

“According to the PNOC, for every hectare of solar farm with greenhouse, they will be able to use 0.5 megawatt,” sabi ni Piñol. “So, at 50 hectares we are looking at about 25 megawatts of power to be produced 50 hectares of greenhouse.”

Bukod dito, sinabi ni Piñol na magpapadala sila ng mga magsasaka mula sa lala-wigan ng Benguet sa Israel sa Hulyo upang sumailalim sa training sa modern vegetable production.

Bahagi ito ng partnership sa pagitan ng Jerusalem at ng Manila sa pagpapalakas ng kakayahan ng Filipino farmers at pagtuturo ng bagong farm technologies mula sa Israel.  JASPER ARCALAS

Comments are closed.