PH-ITALY DEBT SWAP PROGRAM

Philippines-Italy

NAGKASUNDO ang mga gob­yerno ng Italy at ng Filipinas na palawigin ang Philippines-Italy Debt for Development Program ng dalawang taon, ayon sa Department of Finance (DOF).

Sinelyuhan ng Italian embassy sa Manila, sa pangunguna ni H.E. Ambassador Giorgio Guglielmino, at ng Department of Finance (DOF)-International Finance Group, na pinangunahan ni Undersecretary Mark Dennis Y.C. Joven, ang two-year extension ng programa sa pamamagitan ng exchange of letters.

Ang Filipinas ay tinukoy bilang isa sa mga benepisyaryo ng debt conversion program ng pamahalaan ng Italy sa ilalim ng 2011-2013 Programming Guidelines and Directions nito.  Ang Debt for Development Swap Agreement sa pagitan ng Filipinas at ng Italy ay ni­lagdaan noong Mayo 29, 2012 sa pamamagitan ng DOF at ng Italian embassy sa Maynila, kung saan pinapayagan ang kumbersiyon ng pagkakautang ng bansa na nagkakaha­laga ng EUR2,916,919.45 (USD3.75 million o P160 million).

Layunin ng Debt Swap Program na suportahan ang mga proyekto sa environmental protection at poverty reduction na ipinatutupad ng Philippine/Italian NGOs, national government agencies, at local government units. Ang mga proyekto na suportado ng programa ay ipinatupad sa mga lalawigan/distrito sa Filipinas na may pinakamataas na antas ng kahirapan.

Ang programa ay sumuporta sa siyam na proyekto – dalawang ma­liliit  (maximum na tig-P10 million), limang medium (maximum na P25 million bawat isa) at dalawang malalaki (maximum na P35 million bawat isa).

Sa kasalukuyan ay dalawa sa siyam na proyekto ang natapos na, habang ang nalalabing pito ay pinag-aaralan pa kung patuloy na tatanggap ng suporta sa two-year extension ng programa.

Comments are closed.