PH KARATEKAS GIGIL NANG BUMALIK SA ENSAYO

Karate Pilipinas Sports Federation Inc president Ricky Lim

ATAT na si Karate Pilipinas Sports Federation Inc. president Ricky Lim na ma­kabalik ang national team sa actual physical training, partikular ang Olympic hopefuls ng bansa, sa sandaling payagan ang sport ng mga awtoridad.

“The federation will spend for our athletes to undergo rapid tests (for the COVID-19 virus) before they can resume training,” wika ni Lim. “I’m glad that majority of them are asking us, ‘When do we get back?’”

Ayon kay Lim, isinumite na ng koponan ang protocols nito sa Philippine Sports Commission (PSC) para iendoso sa Inter-Agency Task Force na nangangasiwa sa virus crisis, at binigyang-diin na para lamang ito sa training at hindi sa kumpetisyon.

“Once our measures are approved, we want to train with our national athletes outdoors first,” ani Lim.

“One of our supporters is offering the rooftop of his building where we can train again once we get government approval.”

Inamin ni Lim na mahirap ito para sa national karatekas dahil isinailalim ang bansa sa lockdown noong mid-March, dahilan para umuwi ang mga nagsasanay sa Istanbul, Turkey bago pa man abutan ng nationwide quarantine.

Naiwan sa Turkey si Okay Arpa, ang Turkish head coach ng national team, na nagsasagawa ng online training sessions sa mga atleta magmula nang ipatupad ang lockdown.

Comments are closed.