KASALUKUYANG nagsasanay ang Philippine National Karate team sa ibang bansa bilang paghahanda sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games), gayundin sa Olympic qualifying tournaments para sa Tokyo Olympic Games sa susunod na taon.
Ipinadala ng Philippine Sports Commission (PSC) ang karatedo squad sa ibang bansa para sa two-month international training at exposure upang masiguro ang kanilang magandang performance sa SEA Games at sa Olympic qualifying tournaments.
Ang National Kumite Team ay nagsasanay sa Turkey magmula pa noong nakaraang buwan sa ilalim ni Turkish coach Okay Arpa at magbabalik sa October 30 para sa peaking at huling bahagi ng training preparations para sa biennial games na gaganapin sa bansa sa November 30- December 11.
Ang National Kata Team ay nagsasanay rin sa Japan magmula pa noong nakaraang buwan at uuwi sa November para sa SEA Games.
“The PSC has extensively supported our athletes’ training, both at home and overseas,” wika ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.
“We are not dropping our chances. Athletes should get their training and exposure,” dagdag pa ni Ramirez.
Kabilang si Jamie Lim, isang Mathematics summa cum laude graduate ng University of the Philippines at anak ni PBA legend Samboy Lim, ay kabilang sa inaasahang magwawagi ng gold medal sa SEA Games.
Si Lim ay sumungkit ng gold sa -68kgs Kumite sa katatapos na 2019 Amator Spor Haftasi Karate Championship sa Sakarya, Turkey na napakagandang indikasyon ng kanyang posibleng dominasyon sa kanyang weight class sa SEA Games, kasama sina Filipino-American Jone Orbin at Filipino-Japanese Junna Tsukii at Sheriff Afif.
Ang iba pang medal hopefuls ay kinabibilangan nina Miyuki Tacay, Rexor Tacay, Ivan Agustin, Mae Soriano, prince Alejo, Sharief Alejo at Eugene Dagohoy.
Sinabi ni Karate Pilipinas president Richard Lim na ang SEA Games-bound Philippine Karate Team ay nasa tamang direksiyon sa kanilang pag-sasanay.
Naniniwala siya na malaki ang tsansa nina Fil-Am karateka Jone Orbon at Filipino-Japanese Junna Tsukii na magkuwalipoka sa Tokyo Olympiad kung saan lalaruin ang karate sa unang pagkakataon bilang regular sport.
Comments are closed.