LIMANG kasunduan ang nakatakdang lagdaan sa dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na Second Belt and Road forum sa Beijing, China.
Ito ang inanunsiyo ng Departnent of Foreign Affairs (DFA) sa ginanap na press briefing kahapon sa Malakanyang.
Ayon kay DFA Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Meynardo Montealegre, bukod sa mga lalagdaang kasunduan ay magkakaroon din ng bilateral meetings si Pangulong Duterte kina Chinese President Xi Jinping at Premier Li Keqiang sa sidelines ng forum na gaganapin sa Abril 25 hanggang Abril 27.
Ang naturang bilateral agreements ay sa larangan ng education, anti-corruption, official development assistance, at drug rehabilitation.
“As far as the South China Sea, the Spratlys that you have mentioned, the President has always been saying that we will stick to Philippine interest and positions but as I said I cannot preempt to what the specific discussion…,” wika ni Asec. Montealegre nang tanungin kung pag-uusapan ni Pangu-long Duterte at ng nabanggit na Chinese officials ang isyu sa South China Sea.
Sinabi pa ni Montealegre na inaasahang tatalakayin din sa pulong nina Pangulong Duterte at Xi kung paano pa mapalalakas ang development ng bi-lateral relations ng dalawang bansa sa larangan ng defense, security, economics, at development sa usaping regional, gayundin sa ‘international issues of mutual importance’.
Sa pulong naman nina Pangulong Duterte at Li ay inaasahan ang detalyadong kooperasyon sa iba’t CHINAibang larangan tulad ng infrastructure, trade and investment, people-to-people relations at regional cooperation.
Magsisilbing lead speaker si Pangulong Duterte sa gaganaping Leaders’ Roundtable sa Abril 27.
Tinatayang dadaluhan ng may 40 world leaders, kabilang ang mga miyembro ng iba’t ibang international organizations, ang naturang Chinese-led fo-rum.
Comments are closed.