HINIMOK ni Agriculture Secretary William Dar ang mga magsasaka na patuloy na gamitin ang hybrid rice technology upang matugunan ang pangangailangan sa bigas ng mga Filipino.
Sa idinaos ni Gabi ng Pasasalamat ng SL Agritech Corporation kung saan naging panauhin si Dar, sinabi ng kalihim na sa ngayon ay 85 porsiyentong rice sufficient na ang Filipinas habang ang 15 porsiyento ng supply ng bigas ay galing sa ibang mga bansa.
Umaasa si Dar na sa dalawang taon ay magiging 95 porsiyentong rice sufficient na ang Filipinas- iyon ay dahil sa paggamit ng mas magaling na technology.
Dinaluhan ng 200 mga magsasaka mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang Gabi ng Pasasalamat na ginanap sa Green Sun Hotel sa Makati.
Ang mga magsasaka ay isa-isa ring pinagkalooban ng garland ni SL Agritech Corporation Chairman and CEO Dr. Henry Lim Bon Liong.
Ayon kay Bon Liong, ito ay bilang pagpupugay sa mga magsasaka na tinawag din nilang bayani.
Comments are closed.