PH MANUFACTURING PATULOY SA PAGLAGO

PATULOY na lumago ang manufacturing sector ng bansa noong Oktubre, ayon sa S&P Global.

Ang S&P Global Philippines Manufacturing purchasing managers’ index (PMI) ay nagposte ng iskor na 52.9 noong nakaraang buwan, nagpapakita ng improvement sa sektor para sa ika-14 na sunod na buwan.

Sinabi ng S&P Global na bagama’t ang index ay bumaba mula sa 53.7 na naitala noong Setyembre, “it was the second-highest reading since January 2023, and indicated a historically solid improvement in the sector.”

Ayon kay S&P Global Market Intelligence economist Maryam Baluch, matatag ang expansion sa mga bagong order, na nagbibigay-daan para taasan ng goods producers ang kanilang output.

“More encouragingly, employment became the real stand-out this month, with the rate of job creation the strongest in over seven years,” aniya.

Gayunman, sinabi ni Baluch na isiniwalat ng mga manufacturing firm ang supply-side challenges, kung saan ang material shortages ay nagreresulta sa mas mahabang delivery times, at nagpapalamig sa buying activity.

“It was also one of the key factors for rising input prices, which was further exacerbated by the depreciation of the peso against the dollar,” dagdag pa niya.

“Nonetheless, firms remain optimistic with more than half of respondents anticipating expansion in the year ahead.”

Lumitaw sa survey na umaasa ang mga manufacturer na magpapatuloy ang kasalukuyang demand trends sa darating na 12 buwan, na magbibigay-daan sa production growth.

Sinabi ng S&P Global na tumaas ang level of confidence sa five-month high noong Oktubre.