TINANGKA ni Kevin Ingreso ng Pilipinas na malusutan si Safaa Hadi ng Irag sa kanilang FIFA World Cup Qualifiers match noong nakaraang Marso 26. (Photo courtesy of Frenzy Claire Sadanguel)
Group F Standings: Iraq 12 pts. (+11 GD), Indonesia 7 (0), Vietnam 3 (-3), Philippines 1 (-8)
Laro ngayon:
(My Dinh National Stadium)
8 p.m. (Manila time) – Vietnam vs Philippines
UMAASA si coach Tom Saintfiet na makakakuha ang Pilipinas ng positibong resulta sa huling dalawang laro nito, kapwa sa road, sa joint FIFA World Cup at AFC Asian Cup qualifiers.
“Vietnam and Indonesia are good teams,” wika ni Saintfiet. “Two strong opponents, two teams who will play at home, that’s their advantage.
“We always play to win. As a coach I never play to lose and we know it will be tough. I don’t say we’re gonna win but the intention that we have is to face Vietnam and try to get the three points there.
“We will see if we are through that level. If not, then we have to improve. It would be nice to get points, and if we could get a win in these games, that would be naturally brilliant,” dagdag pa niya.
Ang mga Pinoy ay babalik sa My Dinh National Stadium, ang lugar ng fabled “Miracle of Hanoi” na naitala ng koponan na dating kilala bilang Azkals sa 2010 AFF Suzuki Cup, sa kanilang pagharap sa Golden Star Warriors ngayong alas-8 ng gabi (Philippine time).
Muling makakasagupa ng Pilipinas ang Vietnam at Indonesia sa huling bahagi ng taon sa Group B ng AFF Mitsubishi Electric Cup.
Tatapusin ng mga Pinoy ang kanilang Group F campaign kontra Garuda sa Martes ng gabi sa Bung Karno Stadium sa Jakarta.
Umabante na ang Iraq sa third round na may maximum na 12 points sa Group F.
Nasa ika-2 puwesto ang Garuda na may 7 points, mas mataas ng 4 points sa Golden Star Warriors, na may 3 points sa ika-3 puwesto.
Bagama’t ang mga Pinoy ay kulelat sa Group F na may 1 point, may pag-asa pa rin ang koponan na umusad sa susunod na round ng World Cup Asian qualifiers.
Ang Pilipinas ay natalo sa kanilang huling limang laro kontra Vietnam. Ang huling panalo ng mga Pinoy laban sa Golden Star Warriors ay sa AFF Suzuki Cup group stage sa Bangkok noong Nov. 27, 2012, isang 1-0 win mula sa goal ni Chieffy Caligdong.
Ang pagdating ng bagong coach ng Vietnam mula South Korea, Kim Sang-sik, na pumalit kay Philippe Troussier noong nakaraang buwan, ay magiging isang hamon din para sa Pilipinas.
“They are a skillful team,” sabi ni Sainrfiet, na umaasang makapagtala ng panalo makaraang matalo ng dalawang beses sa Iraq sa March window.
Ayon kay Saintfiet, ang mga Pinoy ay magpaparada ng pinagsamang mga beterano at bagong mukha para sa June window kung saan inaasahang magsisilbing kapitan si veteran goalkeeper Neil Etheridge.
Ang Pilipinas ay sasalang ngayon sa laro sa likod ng training camp na nagsimula sa Dubai noong Mayo 26.
Nagkaroon ng extra time para makapaghanda, kumpiyansa si 24-year-old Christian Rontini na malalampasan ng mga Pinoy ang hamon.
“We’re playing in a World Cup Qualifier and we have no doubts, we are full of motivation. With Coach Tom in the last 10 days, our team has prepared well,” sabi ni Rontini.
“With the new faces and the younger generation also now part of the senior team, we don’t have any excuses tomorrow, it’s a final. We are playing for the qualification and I’m very happy and excited to give everything for my nation, and hopefully we get the best from this game.”