PH MILK PRODUCTION PALALAKASIN

PLANO ng Department of Agriculture (DA) na repasuhin ang dairy industry law sa layuning palakasin ang milk production ng bansa.

Ayon sa DA, nakipagpulong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI), kung saan sinabi niya na rerebyuhin ng Agriculture Department ang Republic Act 7884 o ang The National Dairy Development Act of 1995.

Partikular na sisilipin ng DA ang probisyon ng batas na nag-aatas sa commercial milk processors at domestic dairy cooperatives na sumang-ayon sa volume ng locally produced milk na kukunin ng commercial sector.

Sinabi ng ahensiya na isang specified volume ang dapat na nadetermina tatlong taon matapos ang pagpasa sa  act o noong 1998. Gayunman, sa kabila ng pagpasa sa batas, ang 

domestic production ay nanatiling mababa sa less than 1% ng annual demand.

“We will draft a measure that will activate the provision of the dairy law,” sabi ni Laurel.

Sa kanilang panig, sinabi ng PCAFI na hindi pa napapagkasunduan ang volume at iminungkahi na magtakda ang

DA, sa pamamagitan ng National Dairy Authority, ng panuntunan na magre-require sa commercial milk processors at traders na kumuha ng kanilang milk supply mula sa local sources na hindi bababa sa 5% ng kanilang total requirement, “within a full or staggered basis over a certain fixed period.”

Ayon sa DA, ang Pilipinas ay umangkat ng $1.6 billion na gatas noong 2022, karamihan ay powdered form,  mula Australia, New Zealand at  US.

Iminungkahi ng PCAFI na kung hindi sasang-ayon ang commercial processors at traders sa minimum volume, ang  DA ay maaaring mag-require ng safeguard duty sa imported milk na makatutulong sa pagpondo sa pagpapaunlad ng local dairy industry o atasan ang commercial processors at traders na magtayo ng kanilang sariling dairy farms sa Pilipinas.

Sa datos ng NDA, ang cattle production noong 2023 ay umabot sa 17,850 metric tons, na bumubuo sa tinatayang 0.8% ng total milk consumption ng 1.937 million metric tons.

Para sa taong ito, sinabi ng DA na inaasahan ng  dairy authority na aabot ang consumption ngayong taon sa 1.978 million metric tons.