NAGHAIN ng diplomatic protest ang Filipinas laban sa gobyerno ng China kaugnay ng pagkumpiska ng Chinese coast guard sa mga gamit pangisda ng mga Filipino fishermen sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.
Naganap ang naturang insidente noon pang Mayo, sa layong 124 nautical miles ng Palawan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), mariin ding kinokondena ng Filipinas ang pagpapatuloy ng China sa pag-iisyu ng anila’y radio challenges sa mga Philippine aircraft na nagsasagawa ng maritime patrol sa bahagi ng West Philippine Sea.
Batay sa inilabas na arbitral tribunal ruling ng The Hague noong Hulyo 12 taong 2016, pinaboran nito ang petisyon ng Filipinas na ipawalang bisa ang historical ‘nine-dash-line’ claim ng Beijing sa pinag-aagawang teritoryo na West Philippine Sea.
Matatandaang tinawag na ilegal ng mga awtoridad ang ginawang pagkumpiska ng Chinese coast guard sa fishing device na tinatawag na ‘payao’ sa bansa.
Comments are closed.