PH NAGSASAGAWA NA RIN NG RECLAMATION SA PAG-ASA

Pag-asa island

MISMONG ang Washington think tank na  Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) ang nagsabing nagsasagawa na rin ngayon ng kanyang reclamation ang Filipinas sa Pag-asa island na isa sa pinakamalaking islang saklaw ng Kalayaan group of island na inaangkin din ng China.

Ayon sa AMTI, hindi lamang pagtatayo ng  beaching ramp sa Pag-asaang ginagawa ngayon ng Filipinas kundi land reclamation para sa 32,000 square meters.

Subalit nilinaw agad  ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na wala itong katotohanan. “As of now, only the beaching ramp is being undertaken. Next is the concreting of the runway.  Third phase is the lengthening of the runway which will entail the reclamation of about 300 meters.”

Pinaliwanag din ng kalihim na ang reclamation ay pag-repair lamang o pagbuo sa mga nasira o na-wash out na bahagi ng isla.

“Reclamation means there is land before and you are reclaiming the land back. Since there is no land but water we call it filling up the space with stones, gravel and soil,” ani Lorenzana.

Noong nakaraang taon  ay naglabas ng satellite images ang AMTI na nagpapakita ng dredging  equipment sa kanlurang bahagi ng air strip sa isla na nag-collapse na sa dagat.

“It appears that a grab dredger, consisting of a crane with a clamshell bucket is installed on the smaller barge to the west, while the other carries a backhoe.”       VERLIN RUIZ

Comments are closed.