PH NAGTALA NG RECORD HIGH NA 28,707 KASO NG COVID-19

NAKAPAGTALA  ang Pilipinas ng 28,707 kaso ng COVID-19 araw ng Linggo.

Ito ang ikalawang sunod na araw na sumargo sa record high o pinakatamataas na bilang ang mga nagpositibo sa sakit na ito.

May 15 ang nasawi sa dahil naturang virus habang 2,579 ang gumaling.

Batay sa bulletin ng Department of Health, 14 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos kaya nasa 2,965,447 na ang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa.

Nasa 128,114 naman ang bilang ng mga aktibong kaso na pinakamataas mula Oktubre 2, 2021.