IKINAGALAK ng Philippine National Police (PNP) ang mapabilang sa pangatlo ang Pilipinas sa Southeast Asia na pinakaligtas puntahan.
Batay ito sa 2023 Global Law and Order Report ng Gallup, isang analytics and advisory firm na nakabase sa Washington DC, United States of America.
Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., masaya sila na kilalanin bilang ligtas na puntahan ang Pilipinas na magreresulta ng pagtaas ng turismo at pagsulong ng ekonomiya dahil kampante ang mga negosyante na mamuhunan.
“Nagkaroon ng actual survey and we are happy to report to our fellow Filipinos, mga kababayan natin that we are third next to Vietnam and Thailand and this is something to be proud of kasi kapag sinabing safe ang lugar malamang it adds up to the considerations ng ating mga investors and sa part ng turista napupunta sa isaug lugar. We know very well that these ‘yung investors and yung mga turista plays a big role in the boost of the economy,” ayon kay Acorda.
Batay sa report ng Gallup, nakakuha ang Pilipinas ng index score na 86, kasunod ang Indonesia na may 90 at Vietnam na may index score na 92.
Nasa ika-33 puwesto naman ang Pilipinas sa overall ranking na mas mataas ng 19 na baitang sa Estados Unidos.
Para kay Acorda, resulta ito ng masigasig na pagtatrabaho ng mga pulis at ang pakikipagtungan ng komunidad laban sa krimen.
“My concept of a peaceful community is everybody’s effort. The police is doing their part as a professional police officer, the community engaged,” anang heneral.
Pinasalamatan din ni Acorda ang ginagampanan ng media na nagiging katuwang nila para maitama at maisulong ang kanilang performance.
“ (‘Yung) nagre-report, nagrereklamo kung may mga nakikitang katiwalian and of course the media, your role also kasi wide ‘yung reach niyo. Kung minsan may mga bagay na hindi naisusumbong sa pulis dahil takot sa pulis or whatsoever and through thru media na enlighten natin and with this free flow of information and communication there’s two way,” dagdag pa ni Acorda.
Sa datos ng PNP, bumaba ng 8.44 percent o higit 3,500 na krimen ang naitala noong 2023 kumpara noong 2022.
Sinabi pa ng PNP chief, kung magtutuloy tuloy ito, malaki ang tiyansa na masungkit ng Pilipinas ang unang puwesto sa mga susunod na taon.
“All we have to do is to continue doing things that we are doing and intensifying it and still gaya ng sinabi in our previous press conferences what we need to look up to right now when it comes to crimes still yung drugs and of course the cybercrimes,” dagdag pa ni Acorda.
EUNICE CELARIO