PARIS — Job well done dahil nag-excel ang mga atletang Pinoy sa global stage laban sa elite at may mga oportunidad na matutupad sa agresibong programa tungo sa Los Angeles 2028.
“We’re the best performer in Southeast Asian and No. 7 in Asia,” pahayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino nitong Linggo ilang oras bago ang closing ceremony para sa Paris Olympics.
“We wanted more but with two gold and two bronze medals, should we ask for more from Paris?”
Ang gold medals ni Carlos Yulo sa floor exercise at vault ng gymnastics at ang bronze medals nina boxers Nesthy Petecio at Aiza Villegas ay naglagay sa Pilipinas sa 35th place kasalo ang Hong-Kong China sa medals race.
Ang China ay No. 1 hanggang tanghali ng Linggo na may 39 golds, ang Japan ay fourth na may 18, ang South Korea ay seventh na may 13, pagkatapos ay ang Uzbekistan (8 golds) sa No. 13, Iran (3) sa No. 22 at Chinese Taipei (2 golds at 5 bronzes) sa No. 33.
Ang Pilipinas ay No. 1 sa mga bansa na sumasabak sa SEA Games, sumunod ang Indonesia na may 2 gold medals din subalit may 1 bronze lamang sa badminton.
Ang Kazakhstan, isang Asian Games powerhouse, ay nakagugulat na may 1 gold medal lamang, sa judo.
“We’ve gone quality in Paris — in gymnastics, a blue-chip sport,” sabi ni Tolentino. “And looking at the SEA Games countries, we outperformed out closest neighbors.”
Ang Indonesia ay nasa ilalim ng Pilipinas sa overall tally na may gold medals sa climbing at weightlifting, subalit may 1 bronze lamang, sa badminton.
Ang Thailand, isang perennial SEA Games champion, ay may 1-3-2 (gold sa taekwondo), habang naglaho ang gold medal hope ng Malaysia nang ma-disqualify si Azizulhasni Awang sa men’s keirin ng cycling at nagkasya sa 2 am badminton bronze medals.
Nabigo ang Singapore sa pool at uuwi na may 1 bronze medal sa sailing.