PH OFFICIALS BIYAHENG BEIJING BAGONG INFRA DEALS TARGET | Pilipino Mirror Pilipino Mirror
infra

PH OFFICIALS BIYAHENG BEIJING BAGONG INFRA DEALS TARGET

TUTUNGO ang mga opisyal ng Filipinas sa Beijing ngayong linggo sa layuning makakuha ng mga bagong infrastructure deal, ayon sa Department of Finance (DOF).

“The Philippine Delegation to Beijing led by Executive Secretary Salvador Medialdea will meet with top officials of China’s Ministry of Commerce (MOFCOM)  on Tuesday (March 19) to firm up possible new agreements on infrastructure cooperation between the two countries,” wika ng DOF.

Bukod dito, ang Philippine delegation ay nakatakda ring makipagpulong kay Chinese Vice President Wang Qishan.

Ito ay sa harap ng plano ng pamahalaan na gumastos ng mahigit sa P8 trillion sa ‘Build, Build, Build’ program nito hanggang 2022, na ang malaking halaga ay popondohan ng malilikom na buwis ng gobyerno.

Ang iba pang miyembro ng delegasyon ay hiwalay ring makikipagpulong sa mga opisyal ng Export-Import Bank of China (Ex-imBank), at ng China International Development Cooperation Agency (CIDCA), ang officer in charge sa pagrerebyu at pagpapatupad ng foreign aid projects ng Beijing.

“On March 20, a Philippine Economic Briefing (PEB) will be held in Beijing to showcase to potential in-vestors the vast opportunities available to them in the Philippines as it emerges as an economic powerhouse in the region,” anang  DOF.

0

POST A COMMENT

Your email address will not be published. Required fields are marked *

ADS