PH ON TRACK TO HIT EXPORT TARGET—DTI

DTI Secretary Ramon Lopez

KOMPIYANSA ang Department of Trade and Industry (DTI) na sila ay nasa tamang daan para maabot ang export targets na USD122 billion hanggang USD130 billion pagsapit ng 2022, kahit tapos ang merchandise export performance na bumaba ng 3.1 percent sa  unang tatlong buwan ng taon.

“We expect a positive growth trajectory to set in in the subsequent quarters,” pahayag ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Sinabi ni Lopez na patuloy ang gobyerno sa pagtatrabaho na mag-iba-iba ng export offerings at destinations; at patuloy ang inisyatibo sa pangangalakal para madagdagan ang export sa trade partners.

Sinabi niya na tini­tingnan at nakapokus ang kanyang ahensiya sa pagsisikap na maitaguyod ang mga produkto at serbisyo na kinokonsidera na export growth drivers, kasama na ang office equipment, consumer electronics, motor vehicle at motor vehicle parts, high-value coconut products, forest products, at mga suotin.

Pagdating naman sa services exports, audiovisual/creative industries, healthcare information management systems, software development, at tourism-related services, ito ay bibigyan din ng mas maraming pag-aasikaso, dagdag niya.

Dagdag pa ni Lopez na ang DTI ay pinalalawak ang mga oportunidad sa i­lalim ng kasalukuyang preferential trade agreements sa ASEAN (Association of Southeast Asian Nations), China, Japan, South Korea, India, Australia and New Zealand, India gayundin sa mga European Free Trade Association (EFTA) countries.

Itinataguyod din ng ahensiya ang mas maraming produkto sa US at European Union para lumawak ang paggamit ng kanilang Generalized System of Preferences (GSP) schemes, sabi niya.

“Trade promotional efforts are also being done on the non-traditional markets in Russia, Africa, Latin America and South Asia. These markets are expected to experience high economic growths and with their huge population can provide for alternative export markets in the near future,” dagdag pa niya.

Base sa huling preliminary data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang electronics, na kinapapalooban ng mahigit sa kalahating merchandise exports, ay bumaba ng 1.7 percent sa USD8.8 billion sa unang tatlong buwan.

Sa kabilang banda, ang non-electronics, ay bumaba ng 4.8 percent sa USD7.5 billion.

Sinabi ng PSA na ang total export sales noong Marso 2019  ay umabot sa USD5.88 billion, bumaba ng kaunti ng 2.5 percent mula sa USD6.02 billion noong parehong panahon ng 2018.

“In general, we consider this as a reflection of the slowdown in the global economy,” sabi ni Lopez. “Out of 11 trade-oriented Asian economies, nine countries declined in their export performance and only Vietnam and China registered positive performance.”     PNA