PH ONLINE HIRING LUMOBO

TUMAAS ng 14 na porsiyento ang mga nabigyan ng trabaho mula sa online job postings sa bansa noong Marso ng kasalukuyang taon.

Sa pag-aaral ng online jobs portal na Monster.com, lumitaw na gumanda ang aktibidad ng pagbibigay ng trabaho sa pamamagitan ng online bunsod na rin ng positibong pananaw ng mga mamumuhunan sa tinatawag na macroeconomic fundamentals ng bansa.

“The spike in hiring activity at the start of 2018 comes as no surprise for the Philippines, given its overall positive hiring trend earlier in 2017, driven partly by positive investor outlook on the country’s macroeconomic fundamentals,” sabi  pa ng Monster.com sa Southeast Asia Online Recruitment Trends report nito.

“Job-generating foreign direct investments, a key economic driver for the Philippines, also witnessed strong growth in January,” dagdag pa nito.

Tinukoy nito na nagkaroon ng pagkakataon na makapagpalawak ng negosyo at makalikha ng maraming trabaho ang foreign direct investments.

“Due to economic expansion, the Philippines maintains a positive outlook on online hiring for the remainder of 2018,” ayon sa Monster.com.

Binanggit din ng naturang online recruitment portal ang pag-aaral na ginawa ng Microsoft at IDC Asia-Pacific na nagsasabing inaasahang lalago ng $8 bilyon ang gross domestic project ng Filipinas ngayong taon dahil sa  digital transformation.

“This will likely boost job creation, salaries and training opportunities, pointing towards an even more promising hiring growth prospects ahead,” saad pa nito.

Ang Monster Employment Index ay isang monthly analysis ng online job posting activity sa Pilipinas, base sa real-time review ng employment opportunities na pinili mula sa online career outlets.  DESTINY REYES

Comments are closed.