PH PADDLERS NAGPASIKLAB

Table Tennis-2

NAGING sandigan ng mga national player ang mahabang exposure at malawak na karanasan sa pakikipagtunggali sa mga banyagang kalaban upang madominahan ang  kanilang events sa best-of-the-best Super League Table Tennis Championship na ginawa sa Lyceum of the Philippines University sa Lipa City, Batangas.

Namayani sina John Mari Nyre, John Russel Misal, Japet Adasa, Ryan Jacolo sa men’s, gayundin sina Jannah Romero, Emy Rose Dael, RJ Fadol, Kheith Rhynne Cruz at Angel Joyce Laude sa women’s side.

Si Richard Gonzales, bronze medallist sa nakaraang SEA Games sa Malaysia, ay seeded at qualified na sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Ayon kay Table Tennis Federation of the Philippines Incorporated president Ting Ledesma, maraming lumitaw na mga batang magagaling sa tatlong araw na torneo na nilahukan ng mga manlalaro galing sa iba’t ibang rehiyon.

“I saw the emergence of many young promising talents. They gave the veterans a run for their money. They lost because they lack exposures and experience. They proved their worth as worthy players,” sabi ni Ledesma.

Aniya, idinaos niya ang nasabing torneo para makatuklas ng mga batang may potensiyal at kakayahang manalo, at magbigay ng karangalan sa bansa.

“As you all know, players come and go. Our national players are not there, for sure, they will leave the scene when the right time comes for them to quit. It’s better to have pool of young talented players to fill up their shoes,” pahayag ni Ledesma.

“This event will be a regular feature under my watch ostensibly to tap and discover young promising players,” dagdag pa ni Ledesma, kasalukuyang coach ng Ateneo sa UAAP.

Ang torneo ay sinuportahan ng Philippine Sports Commission na pinamumunuan ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez bilang paghahanda sa biggest sports spectacle sa Southeast Asia, kung saan kasama ang table tennis sa 56 sports na paglalabanan ng mahigit 10,000 atleta mula sa 11 bansa.  CLYDE MARIANO

Comments are closed.