PH PADDLERS SUMAGWAN NG GINTO SA 2024 HONG KONG INTERNATIONAL DRAGON BOAT RACES

PHILIPPINE Dragon Boat Federation (PDBF) Elite Team

MULING gumawa ng ingay ang Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) Elite Team sa international stage makaraang mag-uwi ng multiple awards sa  2024 Hong Kong International Dragon Boat Race.

Inorganisa ng Hong Kong Tourism Board (HKTB) at ng Hong Kong, China Dragon Boat Association (HKCDBA), ang event ngayong taon ay umakit ng mahigit 4,000 atleta mula sa 170 teams buhat sa 12 bansa, kabilang ang Pilipinas.

Noong nakaraang  June 17 ay idinaos sa East Tsim Sha Tsui harbourfront ang mainit na kumpetisyon kung saan napalaban ang PDBF sa iba pang racing powerhouses mula Thailand, Indonesia, Singapore, at maraming iba pa.

Nakopo ng Philippine team ang isang gold medal sa International Open competition, at 2 bronze medals sa International Women’s Championship at  International Women’s Grand Championship.

“We had less than a month to prepare, with a diverse team where the majority are from the Navy. Despite conflicting schedules, we made sure to train six times a week, dedicating one to two hours to both land and boat training,” pahayag ni PDBF Team Manager Marcia Cristobal matapos ang tagumpay.

Nagpasalamat din si Cristobal sa mainit na pagtanggap sa kanila sa Hong Kong, ibinahagi na ang lahat ng kanilang nakasalamuha ay napakagiliw.

Ang Hong Kong International Dragon Boat Races ay isa lamang sa kapana-panabik na events na inihanda ng Hong Kong para sa mga bisita upang maranasan ang summer season. Upang pag-initin ang  festivities, ang HKTB ay nagsagawa ng drone show sa Wan Chai harbourfront, na nagkaloob sa mga turista ng lively festival atmosphere.