PH PADEL PLAYERS PINURI NG MGA SENADOR

BINATI ng mga senador. sa pangunguna ni President Pro Tempore Jinggoy Estrada, sina Tao Yee Tan at Marian Capadocia sa pagiging unang all-Filipina champions sa Singapore at Kuala Lumpur, Malaysia legs ng Asia Pacific Padel Tour (APPT).

Nagwagi rin ang dalawa ng silver medal sa inaugural Asia Pacific Padel Cup sa Bali, Indonesia noong nakaraang September.

Sina Tan at Capadocia ay sinamahan sa Senado nina Padel Pilipinas secretary-general Atty. Duane Santos, head coach Bryan Casao, at iba pang players, kabilang sina LA Canizares, Derrick Santos, Raymark “Mac” Gulfo, Abdulqohar “Qoqo” Allian, Joseph Serra, Bryan Saarenas, Johnny Arcilla, Princess Naquila, at Yam Garsin.

“We are so proud of our athletes, they have shown how talented Filipinos and we look forward to more international success,” sabi ni Senadora Pia Cayetano, na siyang presidente ng Padel Pilipinas.

Sina Capadocia at Arcilla ay kapwa seasoned tennis players bago nalipat ang kanilang interes sa padel.

Noong nakaraang Linggo, nasungkit ni Capadocia ang kanyang ika-10 singles title sa prestihiyosong Philippine Columbian Association Open Tennis Championships, tumabla sa record ni Arcilla sa men’s singles.

“I’m thankful to Senator Cayetano for the opportunity to represent the country in padel,” sabi ni Capadocia. “I appreciate her all-out support to the team and I really want to give my best effort in every game.”

Nasasabik si Arcilla, nakopo ang kanyang ika-10 PCA Open title noong 2022, na maging padel player.

“I hope I can also excel in this sport,” anang Butuan City native na may stints sa SEA Games, Asian Games at Davis Cup.

Ang padel ay isang racket sport na nagmula sa Mexico. Pinaghalo itong . tennis at squash at kadalasang nilalaro sa doubles sa isang enclosed court na napapaligiran ng pader na salamin at metallic mash. (PNA)