SI SENADOR Alan Peter Cayetano (ikalawa mula sa kaliwa) kasama sina Department of Tourism Director for Film and Sports Tourism Roberto Alabado III, PNVF president Ramon Suzara at Cignal TV president and CEO Jane Basas. Kuha ni RUDY ESPERAS
UMAASA ang Pilipinas na maging isa sa best volleyball homecourts sa pag-host nito sa FIVB Volleyball Men’s World Championship sa susunod na taon.
May kabuuang 32 koponan ang magbabakbakan sa Sept. 12-28, 2025 tournament, isa sa pagsisikap ng Philippine National Volleyball Federation’s (PNVF) upang mailapit ang sport sa mga Pinoy kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng Volleyball Nations League sa loob ng dalawang taon.
“We will make them feel at home right at our own home,” wika ni PNVF pesident Tats Suzara sa press conference sa Marquis Events Place sa Bonifacio Global City, Taguig noong Martes.
Si Suzara ay sinamahan nina Senator at PNVF chair emeritus Alan Peter Cayetano, Department of Tourism Director for Film and Sports Tourism Roberto Alabado III at Cignal TV president and chief executive officer Jane Basas
“I am ready. We are ready. The team is ready. The Philippines is ready to face the challenges and fulfill a dream as our hearts beat collectively to serve the sport. If you love volleyball, then you will surely love the Philippines,” aniya.
Target ni Cayetano, na magsisilbing chair ng local organizing committee tulad ng ginawa niya sa matagumpay na 2019 Southeast Asian Games hosting, ang isa pang legacy para sa bansa. .
“It’s how we, as a people, welcome the rest of the world. I believe that our hope in a successful hosting will be by faith and action — faith in God and action as a community. I believe that it’s time for the world volleyball to see how united the Philippine volleyball community is,” sabi ni Cayetano.
Inaasahan ni FIVB president Ary Graca ang isang one-of-a-kind world championship.
“We are confident that the Philippines will host an extraordinary World Championship that will leave a lasting legacy and help cultivate an even brighter future for our sport globally,” wika ni Graca kasunod ng pag-anunsiyo sa Pilipinas bilang solo host sa FIVB headquarters sa Lausanne, Switzerland noong nakaraang linggo.
Susuportahan ng Department of Tourism ang hosting ng bansa sa pinakamalaking volleyball event sa mundo.
“We like to assure and ensure that DOT fully supports this event. We are here to make the experience of spectators, players and visitors during this world championship in the Philippines very unforgettable,” ani Alabado.
Gaganapin ang draw sa Manila eksaktong isang taon bago ang unang serve sa Sept. 12, na simula ng year-long countdown ng bansa at ng national team buildup.
CLYDE MARIANO