MATAPOS ang tagumpay na pagsali sa Winter Fancy Food Show (WFFS) sa San Francisco, naghahandang muli ang Filipinas sa isa pang showcase ng pangunahing export food products ng bansa sa North American Region.
Inorganisa ng Department of Trade and Industry sa pamamagitan ng Center for International Trade Expositions and Missions (DTI-CITEM), ang partisipasyon ng Filipinas ay magpapakita at titingnan ang marketability ng mga linya ng specialty foods sa Summer Fancy Food Show (SFFS), sa Jacob Javits Center sa New York City sa Hunyo 23-25, 2019.
“We are intent on bolstering the Philippines’ market presence and reach in US specialty and gourmet food as we lead the coun-try’s first participation in one of New York’s hottest food events,” lahad ni DTI-CITEM Executive Director Pauline Suaco-Juan.
Ang Summer Fancy Food Show ang pinakamalaking specialty food industry event sa North America at nangungunang show-case para sa pagbabago ng industriya. Inorganisa ng Specialty Food Association (SFA), ito ay isang merkado na eksklusibong nakatutok sa specialty food products na naka-display.
Ang specialty foods ay ang mga pagkain o inumin na mataas ang uri, style o kalidad sa kani-kanilang kategorya. Ang kanilang specialty nature ay kinukuha mula sa kombinasyon ng ilan o lahat ng mga sumusunod na kalidad: pinaka-iba, pinanggalingan, paraan ng pagpoproseso, disensyo, limitadong supply, hindi pangkaraniwang gamit, kakaibang pagpapakete or ang paraan ng distri-busyon o pagbebenta.
Noong nagdaang taon, itinampok ang mahigit na 2,400 exhibitors mula sa 54 bansa, na nag-exhibit ng kanilang produkto sa mahigit na 34,000 kalahok sa okasyon. Itinampok sa okasyon ang retailers, restaurants, food service providers at producers mula North America at lagpas pa rito kasama ang Whole Foods, Kroger, Formaggio Kitchen, Starbucks, Trader Joe’s, UNFI at Southern Season.
Ayon kay Suaco-Juan, ang mga food manufacturer at mga exporter na kakatawan sa Filipinas ay pawang mga sumunod sa US international food safety and quality regulations at certification requirements tulad ng USDA Organic at ang US Food and Drug Administration (FDA).
“For this year, DTI-CITEM aims to generate at least 8 million US dollars’ worth of export sales,” pagdidiin ni Suaco-Juan. “We hope to lead a successful exhibit in New York’s biggest specialty food show and learn more from the nuances and demands of food trade in North America.”
Inimbitahan ni Suaco-Juan ang food buyers at traders para sumali sa darating na IFEX Philippines, ang pinakamalaking export‐oriented food show ng bansa sa Mayo 24-26 na gaganapin sa World Trade Cen-ter Metro Manila. Ipiprisinta ng IFEX Philippines 2019 ang “NXTFOOD ASIA” kung saan ipakikita ang susunod na malaking kaganapan sa Asian food na may pinakahuling food innovations, trends at best practices sa Asian food industry.