PH PARA CHESS TEAM SASABAK SA MALAYSIA

PINOY CHESSERS

NAKATAKDANG ang Philippine Paralympic Chess Team sa 3rd Mini Penang Chess Open 2023 na gaganapin sa Abril 24-28 sa Methodist Boys School ACS Union sa Penang, Malaysia.

Aalis ng bansa ang koponan sa Sabado, alas-12:50 ng hapon, pamamagitan ng Malaysian Airlines.

Nakaangkla sa koponan ang powerhouse nina kasalukuyang IPCA Online Chess World Champion FIDE Master Sander Severino, National Master Darry Bernardo, National Master Henry Roger Lopez at Atty. Cheyzer Crystal Mendoza, na humatak sa Team Philippines sa ikatlong puwesto sa FIDE Chess Olympiad for People with Disabilities na ginanap sa Belgrade’s Crown Plaza Hotel sa Belgrade, Serbia noong Pebrero.

Hindi rin papalampasin sina Francis Ching na nanalo ng bronze medal sa 2018 Asian Para Games at Arman Subaste, na nakakuha ng isang gold at dalawang bronze medals sa 2018 Asian Para Games.

“Nandito sila para magbabad sa karanasan habang naghahanda ang pambansang koponan para sa 12th ASEAN Para Games na gaganapin sa Hunyo 3 hanggang 9 sa Phnom Penh, Cambodia,” wika ni Philippine Paralympic Chess Team head coach IA James Infiesto.

“Marami nang pinagdaanan ang ating mga atleta at ito ang nagpahirap sa kanila sa pag-iisip. Naiintindihan nila ang mga hamon ng pagsali sa 3rd Mini Penang Chess Open 2023, na gaganapin sa Abril 24 hanggang 28, 2023, sa Methodist Boys School ACS Union sa Penang, Malaysia,” paliwanag ni Infiesto.

Kasama rin sa koponan sina Anthony Abogado, Felix Aguilera, Maria Teresa at Cecilio Bilog, Evangeline Gamao, Corazon Lucero, Ma. Katrina Mangawang, Fe Mangyayam, Jean-Lee Nacita, Elena at Israel Peligro, Menandro Redor, Rodolfo Sarmiento, Charmaine Tonic, assistant coaches FM Roel Abelgas at Saul Severino at Training Assistant Paul John Lauron.

Ang kampanya ng Philippine Paralympic Chess Team ay suportado nina PSC Chairman Richard Bachmann, Commissioners Walter Torres at Bong Coo, Philspada/NPC-Philippines President Michael Barredo at Marketing Director Goody Custodio, Mam Irene Soriano at Rowena Bautista, sa pakikipagtulungan nina Penang Chess Association President Atty. See Swee Sie at InHooi Teh.

MARLON BERNARDINO