ANG PILIPINAS ang 75th most powerful passport sa buong mundo, ayon sa Henley Global Passport Index.
Bumaba ito ng dalawang puwesto mula 73rd slot noong 2024.
Ang listing ay base sa kabuuang bilang ng destinasyon na maaaring bisitahin ng isang holder nang walang visa.
Ang bawat visa-free destination ay katumbas ng iskor na 1, base sa report na gumagamit ng datos mula sa International Air Transport Association (IATA).
Ang Pilipinas ay ranked 78th noong 2023, 80th noong 2022, 77th noong 2021, at 74th noong 2020.
Nabawi ng Singapore ang top spot sa listahan dahil ang mga mamamayan nito ay pinapayagan na ngayong bumisita sa 195 bansa nang walang visa. Kasalo nito sa ranking ang Japan, France, Italy, Germany, at Spain noong 2024.
Nasa ikalawang puwesto ang Japan kung saan ang mga mamamayan nito ay nakabibisita na ngayon sa 193 bansa nang walang visa.
Nasa ikatlong puwesto ang Finland, France, Germany, Italy, South Korea, at Spain, na may iskor na 192.
Ang Austria, Denmark, Ireland, Luxembourg, Netherlands, Norway, at Sweden ay magkakasalo sa 4th, habang ang Belgium, New Zealand, Portugal, Switzerland at United Kingdom ay nasa ika-5 puwesto.
Nanatili ang Afghanistan bilang least powerful passport sa buong mundo, na may iskor na 26.
Ayon sa Henly Global Passport Index, ang 10 most powerful passports sa buong mundo ay ang mga sumusunod:
1. Singapore (visa-free score 195)
2. Japan (193)
3. Finland, France, Germany, Italy, South Korea, Spain (192)
4. Austria, Denmark, Ireland, Luxembourg, Netherlands, Norway, Sweden (191)
5. Belgium, New Zealand, Portugal, Switzerland, United Kingdom (190)
6. Australia, Greece (189)
7. Canada, Malta, Poland (188)
8. Czechia, Hungary (187)
9. Estonia, United States (186)
10. Latvia, Lithuania, Slovenia, United Arab Emirates (185)