MALUGOD na tinanggap ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III ang mga bumisitang delegado mula sa Ministry of Agriculture and Rural Development ng Poland, na pinangunahan ni Secretary of State Michal Kolodziejczak, sa kanilang hangarin na palawakin ang relasyon at palakasin ang pakikipagtulungan sa sektor ng agrikultura sa pagitan ng Pilipinas at Poland noong Setyembre 4, 2024 sa DAR Central Office, Quezon City.
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na tuklasin ang mga oportunidad para sa kolaborasyon sa pagpapaunlad ng agrikultura, binigyang-diin ni Estrella sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng internasyonal na pakikipagtulungan sa pagsusulong ng mga programa ng Pilipinas para sa seguridad sa pagkain at mga inisyatiba sa repormang agraryo.
“Kami ay lubos na nagpapasalamat ngayon dahil kami ay nakahanap ng isang ‘kaibigan’ na tutulong sa bawat isa sa amin na mailabas ang pinakamahusay na agrikultura mula sa Polish at Pilipinas at matiyak ang aming mga programa sa seguridad sa pagkain. Marahil kapag gumawa tayo ng kasunduan sa pagitan ng ating mga bansa, sa tingin ko ay matututunan natin at mailalapat ang mga pag-aaral na ito na pakikinabangan ng ating mga magsasaka,” ani Estrella.
Ang mga talakayan sa pagitan ng dalawang panig ay nakatuon sa iba’t ibang inisyatiba, kabilang ang potensiyal na kooperasyon sa mga komunidad ng agrarian reform beneficiaries (ARB), pagpapalitan ng mga produktong pang-agrikultura para sa mga merkado ng Poland at Pilipinas, at mga estratehiya sa pag-iwas sa pagbabago ng klima at African Swine Fever (ASF) sa mga komunidad ng mga magsasaka. Ang mga ganitong pagsusumikap na kolaboratibo ay naglalayong magdulot ng kapwa benepisyo sa dalawang bansa, partikular sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka at pagtiyak sa mga napapanatiling mga gawi sa agrikultura.
Ipinahayag ni Kolodziejczak ang interes ng Poland na “humanap ng mga kaibigan,” na magtatatag ng mga estratehikong pakikipagtulungan na maaaring pakinabangan ng mga pamilyang magsasaka sa parehong bansa.
“We are here to expand the relationships that we already have. The situation of farms and land-owning has been changing throughout the years. Your farmers face similar problems as Polish farmers. Today, I am the Secretary of State of the Ministry of Agriculture but I am also an active farmer. So the problems faced by farmers are very close to my heart, not just the farmers in Poland but around the world including the Philippines. It is very important to build safety, and safe relationships as well as safe agriculture and safe farming. Those issues are very important for us but also for you. When I talk about agriculture and farming in Poland and in the Philippines, there is one element that brings us together – our farms belong to farming families,” sabi ni Kolodziejczak.
Habang patuloy ang DAR sa misyon nito na iangat ang buhay ng mga magsasakang Pilipino, nananatili itong nakatuon sa pagtatayo ng mga pakikipagtulungan na nagpapalakas ng produktibidad sa agrikultura, katatagan ng ekonomiya, at seguridad sa pagkain. VERLIN RUIZ