PH-QATAR SHOWDOWN CLOSED DOOR

on the spot- pilipino mirror

TAAS-NOO pa rin ang team Pilipinas kahit natalo sila sa Iran noong Huwebes, 81-73. Hindi naman masama ang pagkatalo ng tropa ni coach Yeng Guiao kung saan lumaban sila nang sabayan, lalo na si Fil-German Christian Standhardinger na gumawa ng 30 points at 12 rebounds. Tumulong naman lahat.

Sa katunayan, si Marcio Lassiter ay naputukan pa ng kaliwaang kilay. Sa Lunes ay balik-Pinas ang laro ng Team Pilipinas laban sa Qatar pero closed door ito sa Big Dome dahil sa nangyari noon sa Philippine Arena kung saan nauwi sa rambulan ang laro nila ng Australia. Ito ang dahilan kung bakit pawang mga bago ang line up ng Team Pilipinas.

Hindi nakauwi agad ang National team natin dahil sa bagyong Ompong. Na-delay ang kanilang flight ng almost 12 hours. Dapat ay 8:30 ng Friday night ay nasa Manila na silang lahat. Hoping na habang binabasa ninyo ang pitak na ito ay nandito na ang PH team para paghandaan naman ang laro nila kontra Qatar sa Lunes.



Dahil din sa bagyong Ompong ay kanselado ang mga laro ng NCAA at UAAP. Ngayon sa­nang alas-2 ng hapon sa unang laro ay maghaharap ang Ateneo Blue Eagles at FEU Tamaraws. Sa main game naman ay magsasagupa ang La Salle Green Archers at Adamson Falcons.

Ngayong araw inaasahang magla-landfall si ‘Ompong’ kaya sa mga kababayan natin, lalo na yaong mababa ang lugar, ay mag-ingat po kayo.



NLEX Road Warriors
Kasama ni Eman Monfort ng NLEX Road Warriors sina Jenelyn L. Tieng at Ronald Tieng. Si Monfort ay napiling ambassador ng POCARI SWEAT.

Isa kami sa mga natutuwa sa magandang nangyayari ngayon sa career ng kaibigan na­ming player na si Eman Monfort ng NLEX Warriors. Si Monfort ay napili ng Pocari Sweat bilang AMBASSADOR ng kanilang produkto. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang kumuha ang Pocari Sweat ng ambassador at sa katauhan pa ni Eman na naging produkto rin ng Ateneo Blue Eagles. Very proud sina Ronald Tieng at Jenelyn L. Tieng sa pagkuha nila kay Monfort bilang ambassador.

Ipinagkatiwala rin nina Mr. at Mrs. Tieng sa Pocari Sweat ang pakikipagpartner kay Monfort sa ginagawa nitong BASKETBALL CLINIC sa mga kabataan.  Very inspired ang player na turuan ang mga ito ng paglalaro ng basketball upang maabot nila ang pangarap na maging basketball player.

Ang Pocaro Sweat ay nakatutulong sa pagdaragdag ng likido sa ating katawan. Mabilis nitong napapalitan ang ions natin sa katawan. At higit sa lahat, masarap itong inumin. Congrats, Eman at sa Pocari Sweat.

Comments are closed.